Music Video

Cup of Joe - "Nag-iisang Muli" (Live at 'Tataya Live' - The Cozy Cove)
Watch {trackName} music video by {artistName}

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Cup of Joe
Cup of Joe
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Raphaell Ridao
Raphaell Ridao
Songwriter
Gian Bernardino
Gian Bernardino
Songwriter
Shadiel Chan
Shadiel Chan
Arranger
PRODUCTION & ENGINEERING
Cup of Joe
Cup of Joe
Producer

Lyrics

Kay lamig ng simoy ng hangin Mga tala'ng yumayakap sa akin Kasabay ng aking pagpikit Suminag ang pait, pag-asa'y 'di masilip Sa gitna ng gabing kay dilim Naghihintay mula takip-silim 'Di susuko sa pagtitiwalang Ikaw ay makakamtan nang hindi panandalian Kahit kumpiyansa'y unti-unting nawawala 'Di uubra ang hamon ng duda Patuloy na aasa na ikaw ay makilala na Ng puso kong naghihintay na makasama ka sa 'king buhay Hanggang sa dulo ng walang hanggan Ikaw ang hanggan Patuloy na inaasam na masilayan na kita Babangon at lalaban at isisigaw ko kay Bathala Ang kahilingang mahanap kita Ang tanging hangad ng puso'y ikaw Makulimlim na pagsikat ng araw Nananaig na ang boses na bumibitaw Bingi-bingian na naman Pilit na tinatakpan, pusong nananawagan Kay ginaw ng tanghaling tapat Mga ginagawa'y 'di pa rin sapat Sumagi sa 'king pag-iisip Damdami'y kinikimkim, sa sarili'y 'di maamin Patuloy na aasa na ikaw ay makilala na Ng puso kong naghihintay na makasama ka sa 'king buhay Hanggang sa dulo ng walang hanggan Ikaw ang hanggan Patuloy na inaasam na masilayan na kita Babangon at lalaban at isisigaw ko kay Bathala Ang kahilingang mahanap kita Ikaw ang hangad Balik takip-silim, sasapit na'ng gabi Mga bitui'y lumihis, sisikat nang muli Araw ay sumilip, nasilaw sa dilim Puso'y nagising, nag-iisang muli, muli Patuloy na aasa na ikaw ay makilala na Ng puso kong naghihintay na makasama ka sa 'king buhay Hanggang sa dulo ng walang hanggan Ikaw ang hanggan Patuloy na inaasam na masilayan na kita Babangon at lalaban at isisigaw ko kay Bathala Ang kahilingang mahanap kita (makita ka) Ang tanging hangad ng puso'y ikaw (mahanap ka, mahuli ka konti, ah-ah) (Balik takip-silim, sasapit na'ng gabi) ng puso'y ikaw (Mga bitui'y lumihis, sisikat nang muli) ng puso'y ikaw (Araw ay sumilip, nasilaw sa dilim, puso'y nagising) Nag-iisang muli
Writer(s): Raphaell Ridao, Mark Nievas Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out