Music Video

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Adie
Adie
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Adrian Garcia
Adrian Garcia
Songwriter

Lyrics

Sa araw-araw Tanging ikaw ang palagi kong hinahangad Laging tanaw Sa 'yo ang ilaw na nagsisilbi kong liwanag Labis ang ngiti kapag ika'y kaharap Ramdam ko ang pagmamahal, giliw Namumukod-tangi ka at walang katulad Ikaw lang ang para sa 'kin Sa 'yo lang, sa 'yo lang ako uuwi Kaya naman Dito ka sa piling ko Oh, dito ka lang, dito ka lang Bumabagal ang ikot ng mundo Kapag ika'y nariyan, oh, aking tahanan Ta, ta-ta-ta-ta, tahanan Dito ka lang, dito ka lang, dito ka lang Oh, aking tahanan Sa bawat sandali Na tayo ay magkayakap nang mahigpit Taglay mong init Ang bumabalot sa 'king nilalamig na damdamin Tayong dalawa'y pinagtagpo Ng tamang pagkakataon Hindi maitatanggi Na sa akin, ikaw ang tanging tiyak, ah Ikaw lang, ikaw lang ang tinatangi (Ikaw lamang ang tinatangi ko) Ikaw lang at ako ang naaaninag (naaaninag) Sa gitna ng paraiso na ating sinimulan Oh, aking tahanan Pinapawi lahat ng iyong mga ngiti Negatibo na nakadikit sa 'king labi Huli ng iyong ngiti ang aking kiliti Katotohanan na hindi ko maitatanggi Na mahal kita, walang iba Kaya naman Dito ka sa piling ko Oh, dito ka lang, dito ka lang Bumabagal ang ikot ng mundo Kapag ika'y nariyan, oh, aking tahanan Ta, ta-ta-ta-ta, tahanan Dito ka lang, dito ka lang, dito ka lang Dito ka sa piling ko (Pinapawi lahat ng iyong mga ngiti) (Negatibo na nakadikit sa 'king labi) Bumabagal ang ikot ng mundo (Huli ng iyong ngiti ang aking kiliti) (Katotohanan na hindi ko maitatanggi) Ta, ta-ta-ta-ta, tahanan Dito ka lang, dito ka lang, dito ka lang Oh, aking tahanan
Writer(s): Adrian Garcia Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out