Lyrics

Andiyan ka na naman Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa 'yong liwanag? Nadarang na naman sa 'yong apoy Bakit ba laging hinahayaan? Andiyan ka na naman Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa 'yong liwanag? Nadarang na naman sa 'yong apoy Handang masaktan kung kinakailangan May lakad ka ba mamaya? Puwede ka ba makasama sa paggagala? Kung sakaling 'di ka puwede Sa bagay, mayro'n din akong ginagawa Siguro nga, napapaisip ka Ba't ako nangangamusta? Ilang araw ka nang naroon sa panaginip ko Nag-aalala lang ako, baka sa'n ka mapunta Pero mukhang ayos ka naman Kahit 'di na kita abalahin pa Ilang "Ama Namin" pa ba ang dapat Para patago kang mag-alala sa 'kin? Uh Habang pinapantasya lamang nila Ay maskara mo sa gabi at pitaka mo sa umaga 'Yung "ikaw" sa likod ng kolorete pa din Ang nangangahulugan sa salitang "paraiso" para sa 'kin Bakit kaya kayamanan ko pa din kinikilala ang iyong pagtawa? Kahit na sa puso mo man ay ilang dosena na din ang kasya Dati pa 'ko pinagdamutan ng kapalaran Kaya 'di na bago sa 'kin mawalan ng pag-asa Ala-una ng umaga na naman Tawagan mo na lang ulit ako kapag hindi na kayo magkasama Andiyan ka na naman Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa 'yong liwanag? Nadarang na naman sa 'yong apoy Bakit ba laging hinahayaan? Andiyan ka na naman Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa 'yong liwanag? Nadarang na naman sa 'yong apoy Handang masaktan kung kinakailangan May lakad ka ba mamaya? Sana madaanan mo 'ko pagkatapos Sabihin mo ngayong ako'y makakaasang Dito ka dadalhin ng iyong sapatos Kung ngayong gabi lang naman ang magiging dahilan Ay handang-handa pa din naman ako mamaos Makakaluwag ka man ay sa mas nakakalibang Na paraan kita tutulungan makaraos Bakit ka nagparamdam? Siguro, 'di na kayo nilanggam Bakit kaya 'di n'ya alam Ang 'yong halaga't kung gaano ka kalinamnam? Iniwasan ko mang matakam nang 'di halata Ang hirap nang magpabaya Kapag tawag na ng laman ang nagbadya Makipaglangit-lupa nang walang taya Mata sa mata, bibig sa bibig Mga ingay na tayo lang dalawa nakadinig Nakatawang umidlip sa kama Pero ba't wala ka na pagsapit ng umaga? Andiyan ka na naman Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa 'yong liwanag? Nadarang na naman sa 'yong apoy Bakit ba laging hinahayaan? Andiyan ka na naman Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa 'yong liwanag? Nadarang na naman sa 'yong apoy Handang masaktan kung kinakailangan
Writer(s): Lester Paul Vano, Sean Patrick Ramos Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out