Upuan Lyrics

[Verse 1]
Mata'y 'di maipikit nang 'di ka naiisip
Ang utak nilalaro ang hugis ng puso ko
Upuang magkatabi
Meron bang kahulugan?
Kaibigan o pag-ibig?
Ano bang nararamdaman?

[Pre-Chorus]
Nahuhulog na ako, nahuhulog na sa'yo
Nahuhulog na ako, nahuhulog na sa'yo

[Chorus]
Isang tingin mo lang, tapos na ang usapan
Isang tingin mo lang, nahulog sa upuan
Isang tingin mo lang, tiyak na sa isipang
Isang tingin mo lang, hanggang dun na lang ako

[Verse 2]
Kamay ay nanlalamig
Hindi na mapakali
Madadampian ba ang
Kahit anino mo lang?

[Pre-Chorus]
Nahihilo na ako, saan ba 'to patungo?
Sa upuan bang ito, papalapit sa'yo
[Chorus]
Isang tingin mo lang, tapos na ang usapan
Isang tingin mo lang, nahulog sa upuan
Isang tingin mo lang, tiyak na sa isipang
Isang tingin mo lang, hanggang dun na lang ako

[Instrumental Break]

[Bridge]
Ang tanging hangad ko lang
Sa t'wing nangangalay ka na
Ay gaya ng upuan
Sa akin ka magpahinga
Sandal ka lang dito
Sandal ka lang dito

[Chorus]
Isang tingin mo lang, tapos na ang usapan
Isang tingin mo lang, nahulog sa upuan
Isang tingin mo lang, tiyak na sa isipang
Isang tingin mo lang, hanggang dun na lang ba 'ko

[Outro]
Isang tingin mo lang, walang pag-alinlangan
Lahat nasimulan sa dalawang upuan
Hindi sinasadyang mahulog sa kaibigan
Isang tingin mo lang at sa'yo na nga ako

How to Format Lyrics:

  • Type out all lyrics, even repeating song parts like the chorus
  • Lyrics should be broken down into individual lines
  • Use section headers above different song parts like [Verse], [Chorus], etc.
  • Use italics (<i>lyric</i>) and bold (<b>lyric</b>) to distinguish between different vocalists in the same song part
  • If you don’t understand a lyric, use [?]

To learn more, check out our transcription guide or visit our transcribers forum

About

Genius Annotation

“Upuan” is the first single released from Ben&Ben’s sophomore album, Pebble House, Vol. 1: Kuwaderno.

Miguel and Paolo Benjamin penned the song in 2019 in a Dumaguete hotel room while on tour. The song, the Filipino band says, is about “the palpable romantic tension that arises from friendships that are formed by sitting next to each other, and the adventurous conversations that ensue”.

Q&A

Find answers to frequently asked questions about the song and explore its deeper meaning

Comments